February 17, 2009
Paunawa sa peryahan
Tradsiyon na ata ang magkaron ng mga peryahan pag may fiesta, lalo na sa mga probinsiya gaya ng Binalonan. Galing nga ako sa peryahan kanina e. Pasyal dito, pasyal doon. Kain ng kain. Kahit ano na lang, basta may masalubong na nagtitinda sige kain. Saka taya na rin paminsan minsan. Mejo nagtagal ako sa may drop ball. Hindi naman ako bago sa mga laro jan e, pero di naman ako sugarol. Kaya naman hindi ko na lang pinapansin yung mga mechanics ng game.
Pero ito mejo napangiti ako. Kasi naman si manong na nagpapataya sa may drop ball, kung anu-ano ang pinapaskil. Kakatuwa, saka kakagigil na rin.Kasi naman talo na ko(bente lang naman), ganun pa mababasa ko.
Bandang huli naisip ko tuloy baka sinadya yun para matuwa at malito ang mga tumataya, at para matalo ako. Tsk! madaya talaga. Sa susunod di na ko tataya sa peryahan promise.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment